2 Pilipino, pinangangambahang namatay sa sunog sa France

By Rhommel Balasbas February 06, 2019 - 02:15 AM

Pinangangambahang kasama ang dalawang matandang Filipino sa 10 nasawi sa sunog sa isang apartment building sa Paris, France.

Ang dalawang matanda ay mag-asawa at naninirahan sa ikawalong palapag ng nasunog na building.

Mayroon ding apat pang Pinoy ang naninirahan sa una at ikatlong palapag.

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na naapektuhan ng sunog na tumawag sa kanilang emergency hotline sa numerong 0620592515 para sila ay matulungan.

Ang sunog na ito ay sinasabing ang pinakamalala sa Paris simula taong 2005.

Umabot sa higit 250 bumbero ang umapula sa sunog.

TAGS: DFA, France, matanda, Paris, sunog, DFA, France, matanda, Paris, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.