India, niyanig ng magnitude 5.6 na lindol

Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa bansang India.

Ayon sa European-Mediterranean Seismological Center (EMSC), niyanig ang Jammu and Kashmir state sa hilagang bahagi ng bansa.

Naitala ang lindol sa 118 kilometers north-west ng syudad ng Srinagar.

Wala namang agarang ulat ng nasawi o nasugatan at pinsala sa ari-arian.

Read more...