Ikalawang plebisito sa BOL, isasagawa ngayong Miyerkules
Aarangkada na ngayong araw ang ikalawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ang ikalawang plebisito ay gaganapin sa lalawigan ng Lanao del Norte maliban sa Iligan City, at 28 baranggay at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit ay Pigkawayan sa North Cotabato.
Nauna nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang araw sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito para makaboto ang publiko.
Mayroong kabuuang 673,983 rehistradong botante sa naturang mga lugar ayon sa Commission on Elections.
Ayon kay Comelec spokersperson James Jimenez, umaasa silang lalampas sa 75 percent ang voter turnout sa plebisito sa kabila ng mga banta ng karahasan.
Ipakakalat ang 3,000 pulis at 10,000 militar para tiyakin ang seguridad sa plebiscite areas.
Layon ng ikalawang plebisito na matukoy kung isasama ba ang North Cotabato at Lanao del Norte sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.