2 kargador, arestado sa droga at pagsusugal sa Maynila

Dalawang kargador ang inaresto matapos makuhanan ng ilegal na droga at naaktuhang nagsusugal sa Binondo.

Ang suspek ay may alyas lamang na Dandan at Bong na mga miyembro ng Batang City Jail.

Sa report ng Manila Police District, mayroong anti-criminality operation ang mga pulis mula sa Gandara Police Community Precinct nang makita nila sina Dandan at Bong na nagsusugal sa kalsada.

Nang kapkapan ay nakuha sa mga suspek ang dalawang sachet ng umanoy shabu.

Nakuha rin ng pulisya ang perang ginamit ng 2 sa pagsusugal.

Read more...