2 kargador, arestado sa droga at pagsusugal sa Maynila

By Len Montaño February 06, 2019 - 01:29 AM

Dalawang kargador ang inaresto matapos makuhanan ng ilegal na droga at naaktuhang nagsusugal sa Binondo.

Ang suspek ay may alyas lamang na Dandan at Bong na mga miyembro ng Batang City Jail.

Sa report ng Manila Police District, mayroong anti-criminality operation ang mga pulis mula sa Gandara Police Community Precinct nang makita nila sina Dandan at Bong na nagsusugal sa kalsada.

Nang kapkapan ay nakuha sa mga suspek ang dalawang sachet ng umanoy shabu.

Nakuha rin ng pulisya ang perang ginamit ng 2 sa pagsusugal.

TAGS: Anti-Criminality Operation, Batang City Jail, Binondo, nagsusugal, Anti-Criminality Operation, Batang City Jail, Binondo, nagsusugal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.