Pagsasampay ng underwear sa kalsada, bawal na sa Baguio City
Ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang lantarang pagsasampay ng underwear na naging talamak sa isang barangay sa lungsod.
Ayon sa mga otoridad, maituturing na “eyesore” para sa mga lokal at dayuhang turista ang nakasampay na underwear.
Ito ay dahil sa mga naka-banderitas na mga brief at panty sa ilang bahay sa Barangay Holy Ghost.
Ayon kay barangay kagawad Marlon Soliven, kailangan ay sa likod ng bahay at hindi sa harap isampay ang underwear.
Dahil dito ay nagpasa ng ordinansa ang Baguio City council na nagbabawal ng pagsasampay ng underwear malapit sa kalsada.
Ang lalabag ay bibigyan muna ng babala sa unang pagkakataon pero may multa ng P200 kung mauulit ang pagsasampay ng uderwear sa kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.