Ikatlong pagsabog naganap sa Lanao del Norte

By Rhommel Balasbas February 05, 2019 - 11:52 PM

Isa pang pagsabog ang yumanig sa Lanao del Norte araw ng Martes.

Naganap ang pagsabog sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo alas-10:10 ngayong gabi.

Sa impomasyon mula sa Join Task Force Plebisito, ito na ang ikatlong pagsabog sa bisperas ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.

Ang unang pagsabog ay naganap alas-5:45 ng hapon sa harap ng isang gasolinahan sa bayan ng Lala.

Sinundan ito ng isa pang pagsabog sa likod ng municipall hall ng Kauswagan bandang alas-4:50.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake.

Maswerte namang walang nasaktan sa mga pagsabog na ito.

Hinikayat ng pinuno ng Joint Task Force ZamPeLan na si Maj. Gen. Roseller Murillo na bumoto pa rin ang mga tao sa plebisito dahil titiyakin ng militar at pulisya ang kanilang seguridad.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, Join Task Force Plebisito, Joint Task Force ZAMPELAN, Lanao del Norte, pagsabog, Sultan Naga Dimaporo, Bangsamoro Organic Law, Join Task Force Plebisito, Joint Task Force ZAMPELAN, Lanao del Norte, pagsabog, Sultan Naga Dimaporo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.