Kapangyarihan ng MMDA na iregulate ang mga billboard sa Metro Manila, kinatigan ng CA
Pinanigan ng Court of Appeals ang karapatan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-regulate ang paglalagay ng mga billboards sa National Capital Region.
Sa desisyong inilabas ng CA noong nakaraang linggo, iniutos ng kanilang Second Division ang pagbasura sa mga reklamo ng mga advertising firms na Summit Publishing Co., Inc., Bigboard Advertising Corp., at Sygoo Enterprises laban sa MMDA.
Noong 2013 at 2014, nakakuha ng paborableng rulings ang mga nasabing kumpanya mula sa Makati City Regional Trial Court na pumigil sa MMDA sa pagpapairal ng kalakaran nito kaugnay sa pagbibigay ng clearance sa mga nais makakuha ng billboard permits.
Ang nasabing kapangyarihan ay base sa pagpapaubaya ng Department of Public Works and Highways sa MMDA simula pa noong 2004 para ipatupad ang mga panuntunan alinsunod sa National Building Code.
Ito ay dahil sa kamalian ng mga advertising firms sa paghahain ng petition for declaratory relief dahil sa kabiguan nilang mapunan ang isa sa mga elementong kailangan para sa nasabing aksyon.
Nagkaroon kasi ng “breach of documents in question” sa panig ng mga naghain ng reklamo at isa ito samga pangunahing alituntunin para magamit ang nasabing petisyon.
Ayon sa justices, nalabag na ng mga advertising firms ang circulars ng MMDA bago pa man sila maghain ng reklamo, at pagkatapos silang padalhan ng MMDA ng liham na nagsasabing hindi sila maaaring payagang magtayo ng billboards.
Nagkaroon din ng grave abuse of discretion sa panig ng RTC dahil sa paglalabas nito ng writ of preliminary injunction sa kabila ng pagkakamali ng mga nag-rereklamo.
Hindi na umano kasi solusyon ang paghahain ng declaratory relief kapag nilabag na ang mga kinukwestyong circulars.
Bukod pa dito, lumalabas rin umano na isinawalang bahala lamang ng RTC judge ang pag-labag na ginawa ng mga nag-reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.