Sa inilabas na pahayag, sinabi ni 2nd Mechanized Brigade commander Brig. Gen. Thomas Sedano Jr. na nagkaroon ng pagsabog sa ilalim ng nakaparadang trak sa likod ng munisipyo sa lugar dakong 4:50 ng hapon.
Ayon kay Sedano, agad na-control ng mga otoridad ang sitwasyon sa lugar.
Wala ring napaulat na nasawi sa naturang pagsabog.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng Explosive Ordnance Division ng Philippine National Police (PNP-EOD) ukol sa insidente.
Sa kabila nito, hinikayat ang publiko ni 1st Infantry Division at Joint Task Force Zampelan commander Maj. Gen. Roseller Murillo na huwag mag-panic at makiisa sa pagboto sa Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.
Tiniyak nito na nakahanda ang Tabak troopers at PNP para sa anumang problema sa kasagsagan ng plebisito.