DFA, inaalam pa kung may naapektuhang Pinoy sa sunog sa Paris

By Angellic Jordan February 05, 2019 - 09:04 PM

Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Pilipinong nasawi o nasugatan sa sumiklab na sunog sa isang apartment sa Paris.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Paris sa mga lokal na otoridad para kumustahin ang mga Filipino community sa lugar.

Ayon sa mga ulat, umabot na sa sampu katao ang nasawi habang 28 naman ang sugatan sa sunog.

Nagparating naman ng pakikiramay si France Ma. Theresa Lazaro sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga namatay sa insidente.

Sakaling naapektuhan ng sunog, nagpaalala ang embahada sa Filipino community na dumulog sa emergency hotline na 0620592515.

TAGS: apartment, DFA, Paris, sunog, apartment, DFA, Paris, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.