Bilang ng nasawi sa sunog sa Paris, umabot na sa 10
Umabot na sa 10 ang bilang ng mga nasawi sa nasunog na apartment building sa Paris.
Ayon sa ulat, napunta ang mga nagsilikas na residente sa bubong ng gusali para iwasan ang apoy.
Gamit ang kaniyang Twitter account, sinabi ni French President Emmanuel Macron na nakikidalamhati ang France sa naganap na sunog.
Samantala, pinuri naman ni Interior Minister Christophe Castaner ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog sa lugar.
Mahigit 250 katao aniya ang agad na rumesponde sa sunog kung kaya’t nailigtas ang nasa 50 katao sa gusali.
Ito na ang pinakamatinding sunog sa Paris simula noong Abril 2005.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.