De Lima binuweltahan ng Malacañang sa pagbanat sa mga sundalo sa Sulu
Wala nang katuturan ang mga banat ni Sen. Leila De Lima sa administrasyong Duterte”.
Pahayag ito ng palasyo matapos isisi ni De Lima sa administrasyong Duterte ang naganap na pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kamakailan.
Ayon kay De Lima, hindi kayang protektahan ng aniya’y “gangster-like antics” ni Pangulong Duterte ang mga tao mula sa mga terorista.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panahon na para manalangin at magmuni muni muna si De Lima bago magpakawala ng anumang banat sa pangulo.
Ipinaliwanag pa ni Panelo na ang pananatili ni De Lima sa PNP custodial center ay nagdulot na ng pagkapurol ng kanyang pag-iisip at puro madidilim na bagay na lamang ang kanyang nakikita sa kulungan.
Maari aniyang nakakalimutan ni De Lima na ang pangulo rin ang nag-pursige na durugin ang teroristang ISIS, nagdeklar ang giyera kontra sa illegal na droga, kriminalidad at korupsyon.
Nakadidismaya ayon kay Panelo dahil sa halip na suporta ang ibigay sa mga sundalo na nasa Mindanao at makiramay sa mga naiulila, pinili pa ng senadora na sisihin ang mga otoridad dahil sa aniyang kapalpakan ng intelligence community.
Iginiit pa ni Panelo na ang mga banat ni De Lima ay pagpapansin na lamang at galing sa isang irrelevant political entity.
Nakaawa na aniya at kalunos lunos na ang sitwasyon ni De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.