PAO: Forensic investigation hindi lang dapat sa SOCO

(Williamor A. Magbanua)

Hiniling ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta na magkaroon ng forensic agency na maaring magsagawa ng independent investigation sa iba’t ibang uri ng krimen.

Sa pagdinig sa Senado ikinatuwiran ni Acosta na dapat kapag pulis ang sangkot sa krimen ay hindi ang Scene of the Crime Operatives o SOCO ang magsasagawa ng crime scene processing para hindi pagdudahan ang resulta ng forensic investigation.

Kaugnay ito sa magkaibang posisyon ng PNP at PAO ukol sa pagkamatay ni Richard Santillan, bodyguard ni dating Biliran Rep. Glenn Chong.

Naninindigan ang PNP na shootout ang nangyari, samantalang iginigiit ni Chong na biktima ng rubout ang kanyang kaibigan at tauhan.

Naglabas pa ang PAO ng pahayag na may mga indikasyon na dumanas pa ng torture si Santillan bago ito pinatay.

Ang posisyon ng PNP ay suportado naman ng resulta ng mga ebidensiya na nakalapap ng SOCO.

Nanindigan rin ang mga pulis na sangkot sa naganap na barilan na kasapi sa isang organized crime group si Santillan.

Read more...