Pito patay sa sunog sa isang gusali sa Paris

AFP Photo
Patay ang pitong katao sa sunog na sumiklab sa isang gusali sa Paris, France.

Naganap ang sunog sa isang walong palapag na gusali kung saan mayroon ding 28 na katao ang nasugatan.

Inilikas din ang mga residente na nasa mga kalapit na gusali upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang gusaling nasunog ay popular sa mgra turista at mayroon ding supermarket shops at restaurants.

Tanaw kasi mula sa nasabing gusali ang Eiffel Tower.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...