Mga residente sa Lanao at North Cotabato hinimok na bumoto para sa plebisito sa BOL
Hinikayat ng National Commission of Muslim Filipinos (NCMF) ang mga residente ng Lanao del Norte at pitong munisipalidad ng North Cotabato na lumahk sa isasagawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law bukas.
Ayon kay NCMF Sec. Saidamen Pangarungan, kailangang makiisa ng mga registered voters sa lugar maging muslim man o kristiyano ang mga ito.
Sinabi nito na makakaasa naman na magiging mapayapa ang plebesito bukas dahil sa mas maigting na seguridad na ipinapatupad ng militar at pulisya.
Kailangan anyang gamitin ng mga taga roon ang kanilang karapatan tungo sa mas mapayapang Mundanao.
Tiwala naman si Pangarungan na magiging matagumpay ang plebesito bukas.
Sa unang plebesito majority ay bumoto ng YES para maitatag ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.