Ayon sa DOH, nagsisimula ang flu season Oktubre pa lang at tumatagal ito hanggang Pebrero pero peak season ang unang dalawang buwan ng taon.
Sa datos ng DOH, bumaba naman ang mga naitalang kaso ng flu o mga nagkatrangkaso kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, sa kalagitnaan ng taon ay sisimulan na ang pagbabakuna at binabantayan na lang ngayon kung anong strain ng flu meron tayo sa bansa.
Paliwanag ng DOH, Iba ang flu sa pangkaraniwang ubo’t sipon dahil may kasama itong mataas na lagnat at pananakit ng mga kalamnan na tumatagal nang ilang araw.
Payo ng DOH, magtakip ng bibig kapag bumabahing o umuubo para maiwasan ang pagkalat pa ng virus dahil kung mapapabayaan at magkaroon ng komplikayson ay posibleng mauwi ito sa pneumonia at ikamatay ng pasyente.
Hinimok ng DOH ang mga magulang na siguruhing kompleto ang bakuna ng mga bata.
Maari ring magtungo ang mga Senior citizens sa mga Bgy Health centers at mga ospital na accredited ng DOH para sa libreng flu shots o bakuna kontra trangkaso.