Malawakang pagbabakuna kontra flu, isasagawa ng DOH

By Ricky Brozas February 05, 2019 - 12:30 PM

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na doblehin ang pag-iingat laban sa pagkalat ng flu virus lalo pa’t flu season hanggang ngayong Pebrero.

Ayon sa DOH, nagsisimula ang flu season Oktubre pa lang at tumatagal ito hanggang Pebrero pero peak season ang unang dalawang buwan ng taon.

Sa datos ng DOH, bumaba naman ang mga naitalang kaso ng flu o mga nagkatrangkaso kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, sa kalagitnaan ng taon ay sisimulan na ang pagbabakuna at binabantayan na lang ngayon kung anong strain ng flu meron tayo sa bansa.

Paliwanag ng DOH, Iba ang flu sa pangkaraniwang ubo’t sipon dahil may kasama itong mataas na lagnat at pananakit ng mga kalamnan na tumatagal nang ilang araw.

Payo ng DOH, magtakip ng bibig kapag bumabahing o umuubo para maiwasan ang pagkalat pa ng virus dahil kung mapapabayaan at magkaroon ng komplikayson ay posibleng mauwi ito sa pneumonia at ikamatay ng pasyente.

Hinimok ng DOH ang mga magulang na siguruhing kompleto ang bakuna ng mga bata.

Maari ring magtungo ang mga Senior citizens sa mga Bgy Health centers at mga ospital na accredited ng DOH para sa libreng flu shots o bakuna kontra trangkaso.

TAGS: doh, flu, Health, influenza, Radyo Inquirer, doh, flu, Health, influenza, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.