Kasong terorismo laban sa mga suspek sa Jolo bombing dedesisyunan na ng piskalya
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na submitted for resolution na ang kaso ng limang suspek sa pambobomba sa Jolo Cathedral sa Sulu.
Ito ay matapos i-terminate ng prosecutor ang inquest proceedings laban sa mga suspek na sina:
1) Mukammar L. Pae/Kammah L. Pae alyas Kammah
2) Albaji K. Gadjali alyas Apah Albaji/Awag
3) Radjan B. Gadjali alyas Rajan
4) Kaisar B. Gadjali alyas Isal
5) Said Alih alyas Papong
Kinumpirma rin ni Guevarra na pito pang identified suspects at ilang John at Jane Does ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa lima sa Sulu Provincial Prosecutor’s Office ay multiple murder, multiple frustrated murder and damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.