2 arestado matapos mahulihan ng high grade marijuana sa Maynila

By Ricky Brozas February 05, 2019 - 11:16 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng high grade na uri ng marijuana sa Tondo, Manila.

Nadakip ang mga suspek na sina Joshua Comeda, 19 anyos at Ruben Rosero,19 sa Mayhaligue St. corner Sanchez St. Brgy 250, Tondo Manila.

Nangyari ang pag-aresto pasado alas 10:15 lunes ng gabi.

Nahuli sa akto ang mga suspek ng mga otoridad habang bitbit ang mga ipinagbabawal na droga.

Nasakote sa kanilang pangangalaga ang dalawang (2) piraso ng sachet na naglalaman ng “kush”.

Ayon sa elemento ng P. Algue Police Community Precinct sa pangunguna ni PO1 Marcelino Pedrozo III, kaagad dadalhin sa MPD Crime Laboratory ang mga nakuhang droga para isailalim sa laboratory examination.

Pansamantalang nakapiit na sa station 2 ang mga suspek habang inihahandang ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002.

TAGS: high grade marijuana, Kush, manila police, high grade marijuana, Kush, manila police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.