2 Indian at kasabwat na Pinoy arestado sa pagbebenta ng anti-rabbies vaccine

By Ricky Brozas February 05, 2019 - 11:01 AM

Naaresto sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Indian National at kasabwat nilang Pinoy dahil sa pagbebenta ng anti-rabbies vaccine sa bansa.

Timbog sa entrapment operation ng NBI-Cybercrime Division ang dalawang Indian national at ang kasabwat nitong Pinay na nagbebenta sa bansa ng mga anti-rabbies vaccine na dapat ay sa India lamang ibinebenta.

Unang nakatanggap ng tip ang NBI patungkol sa isang tindahan sa Paco, Maynila na nag-aalok ng mga illegal drugs na nakasilid sa selyadong kahin at label na “KAMINI VIDRAWAN RAS” na ang Ibig sabihin ay “For Sale in India Only”

Nakilala ang mga suspek na sina Kumar Sunil Motumal, Chutani Rakhi Darbala at ang Pinay na si Mary Chris Mabini.

Nagsagawa ng test-buy ang mga ahente ng NBI sa tindahan ng mga ito sa Pacona Anmol Indian General Merchandise.

Nakabili ang mga ito ng dalawang kahon ng selyadong gold box.

Nang suriin ng mga tauhan ng NBI-Forensic Chemistry Diviaion ang laman ng box, lumabas na positibo ito sa presensya ng iligal na droga.

Bukod dito, Nakumpiska rin sa pag-iingat ng mga suspek ang mga gamot na may label na “Rabipur” o mga bakuna kontra rabbies at ibinebenta lamang dapat sa India.

Lumabas din sa pagsusuri ng Forensic Chemistry Division na positibo ang mga ito za presensya ng Opium at Morphine.

Walang naipakitang papeles ang mga ito mula sa Food and Drug Administration na isa na agad paglabag sa FDA act of 2009.

Sinampahan na ang tatlo sa Manila Prosecutors Office nang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cybercrime Prevention Act of 2009 at RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

TAGS: anti-rabbies vaccine, fake vaccines, Indian, NBI, anti-rabbies vaccine, fake vaccines, Indian, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.