2 miyembro ng crime syndicate ng mga Parojinog patay sa shootout sa Zamboanga del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2019 - 10:49 AM

Photo: Zamboanga Del Sur PNP

Patay sa engkwentro ang dalawang lalaki na kapwa miyembro umano ng crime syndicate ng mga Parojinog.

Naganap ang shootout sa National Highway sa Barangay Culo, Molave, Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Chief Insp. June Lawingan, hepe ng Movale Police, ang dalawang nasawi ay sina Melvin Louie Bongabong alyas Bobong at si Ernesto Briones.

Sinabi ni Lawingan na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad matapos makatanggap ng ulat na nasa bisinidad ang dalawang suspek.

Nang dumating ang mga pulis, agad na nagpaputok ang mga suspek kaya nauwi na sa engkwentro ang operasyon.

Nakuha sa dalawa ang dalawang kalibre 38 na revolver at mga bala.

Sina Bongabong at Briones ay bahagi umano ng Parojinog crime syndicate partikular sa grupong kung tawagin ay ‘Quiapo’.

Ayon ‘Quiapo’ ay high-value target group sa Ozamiz City dahil sa pagkakasangkot sa mga insidente ng robbery, carnapping, illegal drugs at contract killing.

TAGS: Parojinog crime syndicate, Radyo Inquirer, Parojinog crime syndicate, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.