Oral argument sa petisyon kontra sa pagsusulit sa mga nais mag-enroll sa kursong Bachelor of Laws

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2019 - 07:50 AM

Nagtakda ang Korte Suprema ng oral argument kaugnay ng petisyon kontra sa legalidad ng pagsasagawa ng nationwide exam para sa mga nais mag enrol sa kursong bachelor of laws.

Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, pinasasagot ang legal education board sa petisyon na inihain ni retired Makati RTC Judge Oscar Pimentel at Francis Jose Lean Abataya sa loob ng sampung araw.

Itinakda rin ng Korte Suprema ang oral argument sa March 5 at March 12, alas 2:00 ng hapon.

Nakasaad din sa en banc resolution na imbitado sa oral arguments sina dating Ateneo Law School Dean Sedfrey Candelaria at dating UP Law Dean Merlin Magallona bilang mga amicus curiae para magbigay-linaw sa isyu.

Una ng hiniling ng mga petisyuner sa korte suprema na pigilan ang pagpapatupad ng legal education board Memorandum Order No. 7 na nagtatakda ng Philippine Law School Admission Test nationwide dahil ito ay labag sa batas.

Nakasaad sa memo order number 7 na magiging sukatan sa kapasidad ng estudyante kung dapat ba syang kumuha kursong law at ang mga law school na hindi susunod ay may kaukulang multa.

TAGS: bachelor of laws, Oral Argument, Radyo Inquirer, Supreme Court, bachelor of laws, Oral Argument, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.