Lalaki patay sa pananambang sa Maynila

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin habang nasa loob ng kaniyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Jason Abalos, 39 anyos na agad nasawi dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, binuntutan ng gunman ang biktima at nang makapasok sa bahay ay pinagbabaril ito.

Apat ang mga suspek na namataan sa lugar na sakay ng 2 motorsiklo.

Sinabi ng Manila Police District Homicide Division na nasa watchlist ng barangay ang biktima.

Read more...