Pabrika ng tinapay nasunog sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo February 05, 2019 - 06:29 AM

FB Photo: Harlyn Adevoso

Tinupok ng apoy ang isang pabrika ng pastry products sa Brgy. Libtong, Meycauayan, lalawigan ng Bulacan.

Bago mag alas 12:00 ng hatinggabi nang magsimula ang sunog na agad itinaas sa ikalimang alarma dahil sa laki ng apoy.

Nakaligtas naman ang lahat ng mahigit 100 empleyado ng kumpanyang Lemon Square.

Gayunman, tupok na tupok at hindi na mapapakinabangan ang mga gamit sa pabrika.

Ayon sa Bulacan Fire Department, sa bahagi ng main production area nag-umipisa ang apoy.

Inaalam pa kung ano ang dahilan g pagsiklab ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Bago mag alas 5:30 ng umaga nang ideklarang confined na o hindi na kakalat pa ang sunog.

TAGS: Bulacan, fire icnident, meycauayan, Bulacan, fire icnident, meycauayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.