Ayon kay Fire Officer 1 Zoren Cabagay ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ala 1:30 ng madaling araw sa Milliones Compound.
Agad itong itinaas sa 2nd alarm dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Makalipas naman ang dalawang oras ay naideklarang under control na ang sunog.
Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng sunog at ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa isang basketball court.
Nasa P150,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
READ NEXT
Amihan patuloy na umiiral sa Northern Luzon pero ibang bahagi ng bansa, mababawasan ang lamig
MOST READ
LATEST STORIES