40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan
Tinupok ng apoy ang nasa 20 mga bahay sa Barangay 8 sa Caloocan City.
Ayon kay Fire Officer 1 Zoren Cabagay ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ala 1:30 ng madaling araw sa Milliones Compound.
Agad itong itinaas sa 2nd alarm dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Makalipas naman ang dalawang oras ay naideklarang under control na ang sunog.
Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng sunog at ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa isang basketball court.
Nasa P150,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.