Amihan patuloy na umiiral sa Northern Luzon pero ibang bahagi ng bansa, mababawasan ang lamig
Patuloy na umiiral ang hanging Amihan sa Hilagang Luzon ayon sa pinakahuling taya ng panahon ng Pagasa.
Sa weather forecast na inilabas ng Pagasa alas 5:00 ng Martes ng umaga February 5, bahagyang tataas ang daytime temperature sa malaking bahagi ng Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas.
Ito ay dahil sa Northern Luzon na lamang ang malakas na ihip ng hanging Amihan.
Asahan ang mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, lalawigan ng Quezon, Aurora at Bicol Region.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaraw ang panahon sa pangkalahatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.