Kevin Alas ng NLEX, muling nagka-injury sa tuhod
Nagkaroon na naman ng injury ang NLEX star na si Kevin Alas.
Si Alas ay nagtamo ng isa pang ACL injury sa kanyang kanang tuhod.
Sa anunsyo ng koponan, nakuha ni Alas ang bagong injury sa laban sa Meralco Bolts.
Kukumpirmahin umano ng medical team ng NLEX ang lawak ng injury ni Alas sa pamamagitan ng MRI.
Dati nang nagkaroon si Alas ng parehong injury sa parehong tuhod sa Philippine Cup noong nakaraang taon kaya hindi ito nakapaglaro ng 10 buwan.
Na-injured ang kanang tuhod ng 27 anyos na player dahil sa hindi magandang bagsak matapos itong i-foul ni Meralco forward Cliff Hodge sa panalo ng Road Warriors kontra Bolts noong weekend.
Si Alas ay mayroong average na 8.4 points, 3.4 rebounds, 4.6 assits at isang steal kada game.
Ang NLEX ay kasalukuyang na gitna ng PBA standing sa kartadang 2 panalo at 3 talo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.