8 miyembro ng BIFF, patay sa air strikes sa Maguindanao

By Len Montaño February 05, 2019 - 02:29 AM

Patay ang walong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa air strikes ng tropa ng gobyerno sa Maguindanao.

Ayon kay Major Genearl Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Central (JTFC), ang ibinagsak na FA-50 bombs noong weekend ay nagresulta sa pagkamatay ng 8 terorista, 5 sa kanila ay nakilalang sina Hashim, Abo Salik, Abo Tutin, Saidin Kusain at Guabar Sulaiman.

Samantala, 10 iba pang BIFF members ang nasugatan sa air strike kabilang si Salahudin Hassan na kritikal ang kundisyon.

Sinabi ni Sobejana na isinagawa ng air strikes matapos magbigay ng impormasyon sa militar ang sub-commander ng BIFF ukol sa lokasyon ng mga miyembro ng grupo.

Kabilang anya sa mga napatay ay isang BIFF faction subleader, dalawang Indonesian nationals, dalawang Middle Eastern-looking na mga lalaki at isang umano’y Singaporean.

Kinikumpirma pa ng militar na isa sa mga napatay ay ang bomb-making expert na si Abu Toraife dahil nasa lugar siya nang isagawa ang air strikes.

Sumuko naman sa Philippine Army ang 10 BIFF gunmen sa ilalim ni Sub-commander Gani Saligan.

TAGS: air strike, BIFF, FA-50, FA-50 bombs, Joint Task Force Central, air strike, BIFF, FA-50, FA-50 bombs, Joint Task Force Central

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.