5 patay, 2 sugatan matapos masira ang maliit na eroplano sa California
(UPDATE) Patay ang 5 katao at sugatan ang 2 iba pa matapos masira ang isang maliit na eroplano California.
Apat na tao sa nasunog na bahay sa Yorba Linda ang nasawi kabilang ang piloto ng eroplano.
Ayon kay Orange County Sheriff Lt. Cory Martino, mag-isa ang piloto sa twine-engine plane.
Dalawa ang babae at 2 ang lalaki sa nasunog na bahay pero walang ibang impormasyon ukol sa mga ito.
Sinabi ni Federal Aviation Administration spokesman Allen Kenitzer, ang Cessna 414A, na kayang magsakay ng hanggang 8 pasahero, ay umalis sa Fullerton Municipal Airport.
Nasunog ang 2 palapag na bahay na tinamaan ng main cabin at isa sa mga makina ng eroplano.
Kumalas ang pangalawang makina at nalaglag sa kalsada, dahilan ng malaking butas sa aspalto.
Ang main body ng eroplano ay nakita sa likuran ng isa pang bahay malapit sa nasunog na bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.