2019 budget, posibleng maaprubahan na sa Biyernes

By Jan Escosio February 04, 2019 - 11:18 PM

May posibilidad na sa Biyernes (February 8) ay maratipikahan na ang General Appropriations Bill para maging epektibo na ang higit sa P3.7 trillion 2019 national budget.

Sa Miyerkules ang pagpapatuloy ng bicameral conference committee hearing at maaring maplantsa na ang hindi pagkakasunduan ng mga senador at kongresista hinggil sa pambansang budget.

Sinabi ni Sen Loren Legarda, chairperson ng Committee on Finance, na naging maayos naman ang huling pag-uusap nila ni House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya Jr.

Kapag nagkasundo na ang dalawang kapulungan ng Kongreso, sa darating na Biyernes ay mararatipikahan na ang panukala para sa national budget ngayon taon.

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kapag hindi pa rin nagkasundo ang dalawang kapulungan ay maaring maging reenacted budget na lang ang paganahin ngayon taon.

Aniya, sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo ay maaari pa naman muli itong matalakay.

TAGS: 18th congress, 2019 budget, 2019 national budget, Bicam, General Appropriations Bill, reenacted bud, 18th congress, 2019 budget, 2019 national budget, Bicam, General Appropriations Bill, reenacted bud

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.