Mga backpack at shoulder bag, bawal sa charter day ng Kidapawan City

By Len Montaño February 04, 2019 - 10:11 PM

kidapawancity.gov.ph photo

Bawal ang pagdadala ng backpack at shoulder bag sa plaza, pavilion, gym at city hall ng Kidapawan City kasabay ng simula ng isang linggong 21st charter anniversary ng lungsod sa Martes, February 5.

Inutos ni Mayor Joseph Evangelista na ipatupad ang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga taong manonood ng mga aktibidad sa charter day.

Bukod sa backpack at shoulder bag, ban din ang matitigas na bagay gaya ng martilyo, tubo ng tubig, sports tools at iba pang construction materials.

Ang naturang mga bagay ay idedeposit sa inilaang paglalagyan.

Samantala, sasailalim sa inspeksyon ang driver ng motorsiklo at sa designated parking area lamang pwedeng humimpil.

Bagamat pwede ang backpack at shoulder bag sa loob ng simbahan gaya ng Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral, daraan sa mahigpit na inspeksyon ang mga magsisimbang papasok sa main gate ng simbahan.

TAGS: backpack, charter day, Kidapawan City, Mayor Joseph Evangelista, Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral, shoulder bag, backpack, charter day, Kidapawan City, Mayor Joseph Evangelista, Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral, shoulder bag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.