5 patay sa salpukan ng 2 bus sa Compostela Valley

Contributed photo

Lima ang nasawi sa banggaan ng 2 bus sa Purol 91 sa Nabunturan, Compostela Valley.

Umabot naman sa 25 katao ang nasugatan sa aksidente.

Ayon kay PO3 Barry Castillo, pumutok ang gulong ng Metro Shuttle, dahilan kaya nawalan ng kontrol ang driver sa manibela.

Napunta ang bus sa kabilang lane at bumangga sa kasalubong na Bachelor Bus.

Ang Metro Shuttle bus ay papuntang Veruella, Agusan del Sur habang ang Bachelor Bus ay biyaheng Davao City.

Ayon pa sa pulisya, ligtas ang mga driver ng 2 bus pero sila ay naospital dahil sa tinamong sugat.

Read more...