Medical bulletin ni Duterte hindi pa rin isasapubliko ng Malacañang

By Angellic Jordan February 04, 2019 - 05:14 PM

Video grab

Kasunod ng kumalat na balitang patay na si Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ng Malacañang na hindi pa rin nila ilalabas ang medical bulletin ng pangulo.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nagpahinga lang ang pangulo at wala namang matinding sakit.

Matatandaang kumalat ang ispekulasyong patay na ang chief executive sa social media matapos hindi makadalo sa isang event sa Palo, Leyte.

Ilang mga kritiko rin ng pangulo sa pulitika ang nagpakalat pa sa pamamagitan ng social media ng nasabing maling impormasyon.

Dahil dito, naglabas ng video ang partner ng pangulo na si Honeylet Avancena na nagpapakitang masigla at kasama nitong kumakain sa lamesa.

Ayon pa kay Panelo, hindi na magsasampa ng kaso palasyo sa mga nagkakalat ng maling balita.

Aniya, matagal nang ikinakalat ito kung kaya’t wala nang naniniwala at pinagtatawanan na lamang ito.

TAGS: duterte, honeylet avancena, leyte, Malacañang, medical bulletin, Palo, panelo, duterte, honeylet avancena, leyte, Malacañang, medical bulletin, Palo, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.