Panukalang tax provision para sa mga political party lusot sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon February 04, 2019 - 05:05 PM

Inquirer file photo

Lusot na House Committee on Ways and Means ang tax provision para sa panukalang nagpapalakas sa political party system sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, lilimitahan ang voluntary contributions sa anumang political party hanggang sa P1 Million kung ito ay galing sa natural person at hanggang P10 Million kung ito at mula sa juridical person na pinapayagan ng batas.

Gagawin namang exempted sa pagbabayad ng donor’s tax ang mga kontribusyon para sa pangangampanya ng political party.

Sa ilalim din nito, bubuo ng State Subsidy Fund (SSF) na gagamit directly at exclusively para sa party development and campaign expenditures ng nga accredited national political parties.

Nakasaad din sa panukala ang paglalaan ng SSF kung saan 5% ay para sa monitoring purposes sa pagsasagawa ng information dissemination, campaigns and voter’s education; 30 percent naman ay ipamamahagi ng pantay-pantay sa mga accredited political parties na kumakatawan sa Senado habang ang natitirang 65 percent ay proportionately dustributed sa mga political parties sa House of Representatives.

Inaatasan din nito ang Comelec na bumuo ng Political Party and Campaign Finance Department.

Sa ilalim din nito ang sinumang miyembro ng political party na magpapalit ng partido matapos mahalal sa ilalim dating political party ay kailangan munang magresign sa kanyang elective position.

TAGS: House Committee on Ways and Means, Political Party and Campaign Finance Department., State Subsidy Fund, tax provision, House Committee on Ways and Means, Political Party and Campaign Finance Department., State Subsidy Fund, tax provision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.