Nanguna ang mga Chinese national sa listahan ng mga dayuhang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Pilipinas
Sa tala ng ahensya, nasa kabuuang 533 na illegal aliens ang naaresto sa taong 2018.
Ayon kay BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., naitala na 393 sa nasabing bilang ay Chinese nationals, 52 ang Koreano, 12 ang Amerikano.
Karamihan aniya sa mga naaresto ay mga overstaying aliens, illegal foreign vendors at ilegal na pagtatrabaho sa Pilipinas.
Sinabi naman ni BI Commissioner Jaime Morente na walang permit o proper visa ang ilang nahuling dayuhan.
Maliban sa mga naarestong dayuhan, nakapagpa-deport din ang ahensya ng 611 dayuhan na lumabag sa immigration rules ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES