Mga may kasamang sanggol, PWDs at senior citizen pwedeng magdala ng bottled drinks sa MRT/LRT

By Angellic Jordan February 04, 2019 - 03:43 PM

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na unawain ang pagbabawal sa mga bottled drinks.

Ayon kay DOTr Communications Director Goddes Libiran, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nagbaba kasi ng direktiba ang pulisya sa train operators na pagbawalan ang pagpasok ng bottled drinks kasunod ng naganap na pagsabog sa Mindanao.

Sinabi ng DOTr official na mas maigi nang maghigpit sa seguridad kaysa malusutan ng masasamang-loob.

Tiniyak din ng opisyal na binibigyan ng konsiderasyon ang iba tulad ng breatfeeding moms, mga taong may kapansanan, senior citizens at iba pa.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police na pwedeng gumamit ng liquid bombs ang mga terorista kaya ipinag-utos nila ang paghihigpit sa pagdadala ng bottled drinks sa mga pampublikong lugar.

TAGS: bottled drinks, dotr, LRT, MRT, PNP, bottled drinks, dotr, LRT, MRT, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.