DOF inaprubahan ang withholding tax cut para sa Meralco refund
Inihayag ng Department of Finance (DOF) na binawasan ng 15-percent ang withholding tax para sa tax refund ng mga consumers ng Manila Electric Company (Meralco).
Sa pahayag ng DOF, inaprubahan ni Finance Sec. Carlos Dominguez sa pamamagitan ng pagpirma sa revenue regulation na gawing 15-percent ang creditable withholding tax sa nasabing refund mula sa dating 25 para sa mayroong active contracts at 32 percent naman para sa terminated contracts.
“These rates will be cut under the new RR approved by Dominguez to a flat 15 percent effective January 1, 2019 as provided under Section 17 of TRAIN,” ayon sa advisory ng DOF.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay magpapatupad ang pamahalaan ng expanded Value Added Tax base para makakalap ng sapat na tax revenue samantalang babawasan naman ang income tax na sinimulan sa unang araw ng nakalipas na taon.
Sa kanilang panig, sinabi ng Meralco na kaagad silang susunod sa nasabing guidline ng DOF habang nagpapatuloy ang kanilang ipinatutupad na refund.
Sa ilalim ng nilagdaang revenue regulation, ang withholding tax sa interest income para sa refund ng non-residential customers ng Meralco ay ibinaba rin sa 15 percent mula sa dating 20 percent.
Pero ang residential at general service customers na may monthly consumption na higit sa 200 kilowatts per hour ay mananatiling mayroong withholding tax na 10 percent.
Ang nasabing refund ay nauna nang ipinag-utos ng Supreme Court makaraan nitong katigan noong April 2003 ang naunang desisyon ng Energy Regulatory Board na i-refund ang sobrang singil ng Meralco sa kanilang mga customers.
Sinabi ng hukuman na aabot sa P28 Billion ang perang dapat ibalik ng Meralco sa kanilang mga customers at hindi nila pwedeng ipasa sa mga ito ang binabayaran ng nasabing electric company na income tax expenses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.