Wala pang alok para bumalik ako sa Gobyerno – Roque

Wala pang pwesto sa gobyerno na iniaalok kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos siyang umatras sa halalan sa Mayo 2019.

Sinabi ito ni Roque kasunod ng mga bali-balita na binigyan na siya muli ng pwesto sa pamahalaan.

Ani Roque, bukas naman siya sa posibilidad na bumalik sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kaniyang heart procedure.

Handa naman aniya siyang magsilbi lagi sa gobyerno pero sa ngayon wala pang alok ang pangulo.

Noong Biyernes sinabi ni Roque na sumailalim siya sa heart procedure at kailangan niyang magpahinga dahilan para umatras siya sa kandidatura sa pagka-senador.

Read more...