Bibigyan ng libreng tirahan ang mahigit sa 2,000 pamilya na maaapektuhan ng rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ito ang tiniyak House Speaker Gloria Arroyo sa pagdinig ng House oversight committee on Housing para matugunan ang delay sa paglabas ng titulo sa mga benepisyaryo ng urban poor housing proclamations na inisyu noong siya pa ang pangulo.
Sa pagpupulong, natuklasan na mahigit sa 2,000 pamillya na nakatira lupang pag-aari ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Isla Puting Bato ay nawalan ng tirahan dahil sa Manila Bay rehabilitation.
Pinatityak din ni Arroyo kung naayos na ang paglilipatan ng mga naapektuhang residente gayundin kung mayroong pagkakakitaan sa kanilang lilipatan sa kabila ng nawalan sila ng tirahan.
Siniguro naman n PPA General Manager Jay Daniel Santiago na ang kanilang ahensiya ay handa magbigay ng limang ektaryang lupain sa Tondo, manila gayundin maglalaan din sila ng P1 milyon para sa social preparation ng mga residenteng malilipat.
May kabuuang 220,000 pamilya na informal settler na nakatira sa malapit sa Manila Bay ang inaasahang mawawalang ng tirahan dahil sa nasabing rehabilitasyon at ire relocate ng National Housing Authority (NHA) sa Region III at IV-A.