Pangunahing suspek sa Jolo bombing na si Alyas Kamah at 4 na iba pa, hawak na ng PNP
(BREAKING) Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang pangunahing suspek sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral sa Sulu na si Alyas Kamah.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, kasamang sumuko ni Alyas Kamah ang apat niyang kasamahan kabilang ang mag-aamang miyembro ng Ajang-Ajang group.
Nitong weekend aniya sumuko ang limang suspek sa Philippine Army at kalaunan ay nai-turnover sila sa PNP.
Sinabi ni Albayalde na hindi umamin sa krimen si Alyas Kamah pero ang apat na kasama nito ay umamin sa partisapasyon.
Sinabi ni Kamah na napilitan siyang lumantad dahil alam niyang tinutugis siya ng mga otoridad.
Maliban sa 5 sumuko ay mayroong 14 na iba pang pinaghahanap ang pulisya at militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.