LRTA nagpaliwanag sa kinukwestyong polisiya sa pagbabawal ng bottled water at liquid items sa mga tren

Nagpaliwanag ang pamunuan ng Light Rail Transit – 2 hinggil sa tweet ng isang pasahero na kumukwestyon sa polisiya na nagbabawal ng bottled water at iba pang liquid items sa tren.

Sa isang tweet ng netizen na may twitter handler na @elyxxv, ibinahagi nito ang larawan ng isang pasahero na may dalang galon ng tubig. Ayon sa netizen, hindi empleyado ng LRT-2 ang lalaki dahil iba ang suot niyang ID.

Pero sinabi ng LRT-2 na ang naturang lalaki sa larawan ay utility personnel ng LRT administration. Ang mga galon ng tubig na dala nito at ipinasok sa tren ay dadalhin sa Betty-Go Belmonte station.

Ginagawa umano ang pagde-deliver ng tubig tuwing araw ng Martes.

Muli ring nilinaw ng LRTA na ang pagbabawal lsa bottled water at liquid items sa tren ay bilang security precaution.

Patuloy aniya silang umaapela sa mga pasahero na makipag-cooperate at maging mapagmatyag din sa araw-araw nilang biyahe.

Read more...