Mastermind sa pagpatay sa barangay captain sa QC hindi pa tukoy ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2019 - 08:01 AM

Sa kabila ng pagkakaresto sa apat na mga suspek sa pagpatay kay Bagong Silangan Chairwoman Crisell “Bheng” Beltran, hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa krimen.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Capital Region Police Office chief, Dir. Guillermo Eleazar, ang isa kasi sa mga nakatakas ang siyang makapagsasabi kung sino ang utak sa krimen.

Dalawa pang suspek ang tinutugis ngayon ng mga otoridad ang dalawang nakatakas na suspek.

Ang apat na naarestong suspek ani Eleazar ay positibong kinilala ng mga testigo bagaman wala pang direktang pag-amin ang mga ito.

Sa ngayon sinabi ni Eleazar na sumasailalim sa pagsusuri ang mga suspek kabilang na ang forensic examination sa kanilang cellphone at ballistic examinations sa mga nasabat na armas.

TAGS: ambush, Bagong Silangan, crisell beltran, NCRPO, quezon city, Radyo Inquirer, ambush, Bagong Silangan, crisell beltran, NCRPO, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.