Rapper na si 21 Savage inaresto sa Amerika

Inaresto ng mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) ang rapper na si “21 Savage” dahil sa ilegal na pananatili sa Estados Unidos.

Ayon sa Immigration, dinakip ang British-born rapper na ang totoong pangalan ay Shayaa Bin Abraham-Joseph dahil mahigit isang dekada na itong ilegal na nananatili sa Amerika.

Isinagawa ang pag-aresto sa rapper sa Atlanta, Linggo ng umaga.

Ayon sa ahensya, si 21 Savage ay British national at pumasok ng ilegal sa Amerika noong 2005.

Taong 2006 nang mapaso ang kaniyang nonimmigrant visa

Nahatulan din ang rapper sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga noong 2014 sa Georgia at kabilang ito sa dahilan kaya siya dinakip.

Sinabi ng ICE na nasa kostodiya ngayon ng Georgia authorities si 21 Savage at sasailalim sa removal proceedings.

Read more...