Trump tumangging makipagpulong kay Nicolas Maduro ng Venezuela

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2019 - 06:27 AM

AP Photo

Tinanggihan ni U.S. Pres. Donald Trump ang panukalang makipagpulong kay Venezuelan leader Nicolas Maduro.

Sa isang panayam sinabi ni Trump na isa sa kaniyang pinag-aaralan ay ang magpadala ng US military sa Venezuela.

Kinumpirma din ni Trump na tinanggihan niya ang hirit na pulong lalo’t hind aniya biro ang mga protesta sa pagkakahalal kay Maduro sa pwesto.

Maliban sa US ay hindi rin kinikilala ng Canada at iba pang Latin American countries ang pamumuno ni Maduro.

Patuloy din ang kilos protesta ng libu-libong mga residente sa Venezuela para tutulan ang pamumuno ni Maduro.

TAGS: donald trump, Nicolas Maduro, Radyo Inquirer, donald trump, Nicolas Maduro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.