2 ang nasugatan sa nasunog na barko sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2019 - 06:19 AM

Zamboanga City CDRRMO

Sugatan ang dalawang katao matapos magliyab ang isang Cargo Vessel sa Zamboanga City, Linggo (Feb. 3) ng umaga.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco, base sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management council, nasunog ang M/C NS Express Cargo sa Baliwasan seaside.

Papaalis sana ang barko at patungo ng Siasi nang mangyari ang insidente na hinihinalang dahil sa short circuit.

May kargang 75 drum ng gasolina ang barko at 8 tangke ng LPG.

Dalawa ang nasugatan sa insidente na agad namang naisugod sa ospital.

TAGS: cargo vessel, fire incident, Zamboanga City, cargo vessel, fire incident, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.