Mainit na panahon mararanasan dahil sa ridge of High Pressure Area
Humina ang ihip ng hanging Amihan kaya’t asahan ang mas mainit na panahon ayon sa PAGASA.
Sa 4am weather update ng ahensya, umiiral sa bansa ang ridge of High Pressure Area partikular sa Northern Luzon.
Magdadala ng mainit at maalinsangang panahon ang naturang weather system sa kabuuan.
Sa kasalukuyan ay nararanasan ang monsoon break ngunit inaasahan din namang babalik pa ang Amihan kaya’t mararamdaman pa rin ng mga Filipino ang malamig na panahon.
Ngayong araw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley Region at Aurora.
Sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi naman ng Central Luzon ay mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dahil pa rin sa ridge ng HPA.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maalinsangan din ang panahon maliban na lamang sa mga pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.