Lalaki arestado sa pagpatay sa kaibigan sa Makati

Timbog ang isang 51-anyos na lalaki matapos ituro bilang suspek sa pagpatay sa sariling kaibigan sa Makati City.

Ayon kay Makati Police Assistant Chief for Operations Sr./Insp. Gideon Ines, natagpuan na lamang na duguan ang isang 28-anyos na lalaki sa sarili nitong bahay sa Brgy. Olympia.

Namataan may saksak sa likurang bahagi ng ulo ang biktima.

Nadala pa ito sa ospital ngunit matapos ang ilang oras ay binawian din ng buhay.

Isang testigo ang nagturo sa suspek na aminado naman sa kanyang ginawa.

Ayon sa suspek, nagawa lamang niya ang krimen dahil sa utang ng kanyang kaibigan na P1,800 na halaga ng droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.

Read more...