Matanda patay sa sunog sa Cainta, Rizal

By Rhommel Balasbas February 04, 2019 - 04:00 AM

Marikina Filipino – Chinese Fire Brigade Volunteer

Nasawi ang isang 81-anyos na matandang babae sa sunog sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal, Linggo ng gabi.

Hindi nakalabas sa kanilang bahay ang matanda na kinilalang si Maria Rebucas.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-5:00 ng hapon at umabot sa Task Force Alpha.

Tatlong daang bahay ang natupok ng apoy dahilan para mawalan ng tirahan ang higit 800 pamilya.

Pasado alas-10:00 na ng gabi nang tuluyang maapula ang sunog at patuloy ding inaalam kung ano ang pinagmulan nito.

Sinabi ni BFP Assistant Regional Director for Operations Supt. Antonio Sobejana na tinatayang nasa P6 na milyog ang pinsala sa ari-arian na idinulot ng sunog.

Pinag-aaralan na ng Sangguniang Bayan kung magdedeklara ng state of calamity sa Brgy. Sto. Domingo.

TAGS: Bureau of Fire Protection, Cainta fire, Bureau of Fire Protection, Cainta fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.