Indonesia handang tumulong sa imbestigasyon sa Jolo twin blasts
Nagpahayag ng kahandaang tumulong ang Indonesian government sa imbestigasyon sa naganap na kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, ito ay upang malaman kung Indonesian bombers ang nasa likod ng pag-atake.
Ayon sa kalihim, nakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte na bagaman may ibang sources tungkol sa pag-atake, ay Indonesian couple pa rin ang itinuturong nasa likod ng twin blasts.
Pero bago anya maisapinal ito, kailangan munang magkaroon ng forensic at DNA examinations kung saan tutulong ang gobyerno Indonesia.
Nauna nang sinabi ni Año na Indonesian suicide bombers na may kaugnayan sa Islamic State ang nanghingi ng tulong sa Abu Sayyaf Group para ilunsad ng pag-atake sa Jolo.
Samantala, nagbabala ang kalihim sa presensya ng iba pang foreign terror groups sa Jolo ngunit tiniyak na naglulunsdad na ng opensiba ang gobyerno laban sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.